Little but Lethal: Aleia Aguilar, pinakabatang kampeon sa Jiu-jitsu

Aleia Aguilar competes at Marianas Pro for the first time. (Photo by Aleia Aguilar)<br />

Little but Lethal: Aleia Aguilar, pinakabatang kampeon sa Jiu-jitsu

Sino ang mag-aakala na magiging isa sa pinakamatunog na pangalan sa mundo ng combat sports ang isang batang Filipina? Napatunayan ‘yan ni Aleia Aielle Aguilar sa edad na limang taong gulang, matapos maging kampeon sa dalawang magkasunod na Abu Dhabi World Jiu-jitsu Championships. Siya na ang tinagurian bilang pinakabatang kampeon sa Jiu-jitsu World Championship. 

Sa bawat hakbang, sa bawat galaw, ipinakita ng batang si Aleia na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa edad, ito ay sa puso at dedikasyon. 

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)<br />

Aleia Aguilar competes at Marianas Pro for the first time. (Photo by Aleia Aguilar)

Mula sa isang pamilya ng mga atleta, hindi na katakataka na maaga pa lang ay nahubog na si Aleia sa mundo ng isports. Ang kanyang ama na si Alvin Aguilar ay kilalang personalidad sa mixed martial arts, habang ang kanyang ina naman na si Maybelline Masuda ay isa ring respetadong pangalan sa Jiu-jitsu. 

Alvin Aguilar was honored by the Asian Sport Jiu-jitsu Federation (ASJJF) as one of the top 5 coaches in Asia. (Photo by Alvin Aguilar)

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)<br />
Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)<br />

Maybelline Masuda trains athletes in DLSU. (Photo by Maybelline Masuda)

Aleia Aguilar weigh-in before her match at the 2023 Abu Dhabi Jiu-jitsu World Festival. (Photo by Maybelline Masuda)

Pag-angat sa mundo ng Jiu-jitsu 

Ayon sa kanyang mga magulang, lumabas ang interes ni Aleia sa Jiu-jitsu tuwing sumasama siya sa training ng mga magulang. Hindi naman nagtagal ay naging isang pangarap na rin sa kanya na lumaban hanggang sa nagsimula na siyang sumabak mismo sa training sessions. 

“I was bringing her with me to training after giving birth to her when she was as young as three weeks old. Every training day, competition day, she grew up with jiu-jitsu in her life and it eventually became her dream to compete,” kwento ng ina ni Aleia.

 

Aleia and her parents attended the 2024 Philippine Sportswriters Association Awards Night. (Photo by Aleia Aguilar)

leia posed for a picture after training with her parents and other co-athletes at DEFTAC Philippines. (Photo by Maybelline Masuda)

Elmo participated in the Masters and Becoming Exhibit in Mandaluyong City. (Photo by Ennsar Luis Modelo)

Group photo of the Jiu-jitsu team of DLSU after training with Maybelline Masuda. (Photo by Maybelline Masuda)

Sa murang edad, ipinakita niya na hindi lamang siya basta bata na naglalaro ng jiu-jitsu. Siya ay isang mandirigma sa loob ng mat, puno ng kumpiyansa at lakas ng loob para makipagtagisan ng galing sa mga kapwa batang atleta mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Unang nagwagi ng ginto si Aleia noong 2022 laban sa pambato ng Brazil na si Gabriela Vercosa at napanatili ang kampeonato hanggang 2023 laban kay Maitha Earani ng United Arab Emirates.

Aleia Aguilar when she won in the Abu Dhabi Jiu-jitsu World Festival in 2023. (Photo by Maybelline Masuda)

Ang kanyang pagkapanalo sa Jiu-jitsu World Championship ay hindi lamang para sa kanyang sarili dahil karangalan din ito para sa buong bansa.

“I’m beyond happy that my baby girl is now the Philippines’ youngest world champion. We will continue to work hard to bring honor to our country,” kwento ng kanyang ama.

Para sa kabataang Pilipino 

Si Aleia ay isang atleta at inspirasyon. Ipinapakita niya na ang edad ay hindi hadlang upang maabot ang bawat pangarap. Ang kanyang ipinamalas na tapang, disiplina, at dedikasyon—mga katangiang dapat tularan ng bawat kabataang Pilipino. 

Sa tuwing sinusuot ang kanyang ‘gi ‘at pumapasok sa mat, dala-dala ng munting atleta ang pangalan ng Pilipinas. Sa bawat pagkapanalo, ipinapaalala na walang imposible sa taong mayroong puso at sipag. 

Ang tagumpay ni Aleia Aielle Aguilar ay nakatatak na sa larangan ng isports na sumasalamin sa kwento ng pag-abot ng mga pangarap sa kabila ng murang edad. Isang kwento ng tapang, determinasyon, at pagmamahal sa bansa—isang kwentong magsisilbing inspirasyon sa bawat batang Pilipino na nangangarap din ng kanilang sariling tagumpay.

Kaya bilang pagkilala, naimbitahan sa Senado noong December 2023 si Aleia kung saan in-adopt ang isang resolusyon bilang papuri sa dalawang pagkapanalo ng atleta sa World Jiu-jitsu Competition. (IBC-13 Digital)

Senators posed for a photo with Aleia Aguilar as they handed over the adopted Senate Resolution No. 95 recognizing the young athlete’s excellence in Jiu-jitsu. (Photo by Senate of the Philippines)

Stay updated.