ARTventure with Kyle: Mga obra maestra sa mata ng isang bata!

Aleia Aguilar competes at Marianas Pro for the first time. (Photo by Aleia Aguilar)

Ang talento ay parang binhi—kailangan ng tamang pagkakataon, tiyaga, at suporta upang lumago. Sa karanasan ni Kyle Thomas Rivera, isang batang may pambihirang hilig sa sining, hindi nagtagal at nakita agad ng lahat ang kanyang talento.

Dalawang taong gulang pa lamang nang magsimula, litaw na ang husay ni Kyle sa paggamit ng art materials gaya ng regalong paint at brush ng kanyang ninong, hanggang sa pagguhit ng kahit anong magustuhan niya.

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)

Ngayon, hilig ng batang Pintor na mag-drawing ng cartoon characters at paborito niya ang mga karakter mula sa “Pokemon” gamit ang crayons at lapis, habang sa pagpipinta naman ay mas madalas niyang gamitin ang watercolor o kaya naman ay acrylic paint para makabuo ng obra ng kalikasan at textured abstract painting.

Ang makulay na buhay na nakahiligan ni Kyle sa murang edad ay suportado naman ng kanyang mga magulang dahil naniniwala sila na mas lalong mahuhubog ang kanyang kakayahan sa paglikha ng gusto niyang art pieces.

Kyle bonds with his family.

“Nagalak kami! Dahil sa murang edad ay nailabas na nya ang kanyang potensyal at pagkahilig sa larangan ng sining,” saad ni Mommy Kay.

Dagdag pa ng mga magulang ni Kyle, lagi rin silang may dalang art materials — sa sasakyan man o sa restaurant, para sakaling maisipan niya na mag-drawing, magagawa niya.

Malaki rin daw ang naitulong ng pakikibahagi ng bata sa isang Artist Community dahil nagkakaroon siya ng ibang ideas at style sa kanyang artworks.

Kaya naman noong April 2024 sa Pista ng Sining na ginanap sa Alitaptap Artist Community, nagkaroon ng pagkakataon si Kyle na ipakita sa publiko lalo na sa iba pang mga batang artist ang kanyang mga obra.

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)

Kyle joined the Pista ng Sining last April 2024.

“Isang malaking oportunidad na maging bahagi siya ng taunang selebrasyon para maipakita at mapadama ang suporta hindi lamang kaming mga magulang niya ngunit kasama din ang buong samahan ng artists sa aming komunidad,” kwento ng kanyang ina.

Bagaman malawak ang imahinasyon ni Kyle pagdating sa sining, may mga pagkakataon pa rin na hindi niya nagugustuhan ang sariling gawa pero kapag ganoon ay hinahayaan lamang siya ng kanyang mga magulang dahil kailanman hindi niya ito sinusukuan.

“Sadyang ganun lang siguro talaga ang mga Artist, nakadepende lahat sa mood at kung ano ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang paligid. Pag ayaw na niya gumuhit, di namin sya pinipilit. Makikita na lang namin na uulitin o aayusin na niya yung kanyang gawa sa ibang oras,” pagbabahagi ng magulang ni Kyle.

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)

Kyle posed for a photo while holding his painting of Trolls character when he was still a Grade 1 student.

Ngayong pitong taong gulang na si Kyle at sa kabila ng pananatili ng hilig niya sa arts, hindi pa rin nawawala ang pagbalanse ni Kyle sa pag-aaral, panonood ng TV o paggamit ng cellphone, at pakikipaglaro sa ibang bata.

Nagiging inspirasyon pa nga si Kyle sa kanyang mga kalaro para mahikayat na samahan siyang lumikha ng sining sa paraang gusto nila.

Bilang bahagi ng pagsuporta ng magulang ni Kyle sa kanyang hilig at talento sa paggawa ng art, ginawan nila ito ng personal art studio na tinawag na ‘Bahay-Bahayan Kids Art Studio’.

“Isa sa dahilan kaya gumawa kami ng munting Art Studio para sa mga bata. Dito nakalagay ang mga pinta at guhit ni Kyle mula ng siya ay mamulat sa mundo ng sining. Sa pamamagitan nito, maaaring makahikayat at maging inspirasyon sa ibang bata katulad ni Kyle,” kwento pa ng magulang ni Kyle.

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)

Para sa mga magulang ni Kyle, wala silang ibang pangarap para sa anak kundi lumaki itong may mabuting asal kasabay ng kanyang tagumpay sa buhay. Suportado nila ang bantang pintor sa lahat ng nais subukan — maging sa arts man, science o kahit sa pag-abot ng pangarap na maging lawyer at veterinarian.

Tunay ngang walang hadlang sa edad o estado sa buhay upang makamit ang pangarap. Ang tamang suporta, paggabay, at pagmamahal mula sa pamilya ay susi upang maipakita ng bawat bata ang kanilang natatanging talento at magtagumpay sa landas na nais nilang tahakin. (IBC 13 Digital)

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)

Bahay-Bahayan Kids Art Studio logo. (Photo by Froi Rivera)

Kyle joins other talented artist kids for a workshop held at his studio. (Photo by Froi Rivera)

Kyle posed for a photo with his artwork during a workshop in his art studio. (Photo by Froi Rivera)

Stay updated.