‘Magsimula nang maaga’: 8-anyos na pintor, hinahangaan sa Bulacan
‘Magsimula nang maaga’: 8-anyos na pintor, hinahangaan sa Bulacan
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, karamihan sa mga kabataan ngayon ay maagang namulat sa paggamit ng cellphone, tablet at computer bilang libangan.
Pero ibahin ang batang si Ennsar Luis Modelo o mas kilala bilang ‘Elmo’ mula sa San Miguel, Bulacan.
Hindi lang kasi paglalaro ng online games at paggamit ng gadgets ang nakahiligan sa murang edad, naging interesado rin siya sa pagguhit at pagpipinta.
Tatlong taong gulang pa lamang si Elmo nang makitaan ng kanyang ina ng potensyal na maging isang ‘artist.’ Napansin kasi ni mommy Jam Jimenez na mabilis nasaulo ng anak ang iba’t ibang kulay at mahilig mag-drawing ng kung anu-anong imahe sa kanyang sketch toy.
Elmo proudly presents one of his abstract paintings. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Sa paglipas ng taon, hindi nawala kay Elmo ang pagmamahal sa sining.
Katunayan, sa edad na walong (8) taong gulang, iba’t ibang obra maestra na ang naipinta at naipagmalaki nito sa ilang group shows at exhibits sa bansa.
Elmo displayed his artworks at Drybrush Gallery. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Sa paglipas ng taon, hindi nawala kay Elmo ang pagmamahal sa sining.
Katunayan, sa edad na walong (8) taong gulang, iba’t ibang obra maestra na ang naipinta at naipagmalaki nito sa ilang group shows at exhibits sa bansa.
Elmo showcases his paintings at Barasoain Church in Bulacan. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Sa isang exclusive interview, ibinida pa ng batang pintor ang kanyang mga larawan sa ‘Masters and Becoming” exhibit sa Mandaluyong City tampok ang painting na ‘Blue Splash,’ isang asul na pusa na may background na tila isinaboy o ini-splash na pintura.
Elmo participated in the Masters and Becoming Exhibit in Mandaluyong City. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Elmo participated in the Masters and Becoming Exhibit in Mandaluyong City. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Elmo posed for a photo along the ‘Blue Splash’ painting as he attended an exhibitor in Masters and Becoming. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Kamakailan lang ay nakiisa si Elmo sa ‘Mandala Art Festival’ sa Pulilan, Bulacan kung saan ibinida niya ang panibagong obra patungkol sa isang pusa.
Elmo attended the Mandala Art Festival in Pulilan, Bulacan. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Elmo joined the Mandala Art Festival to showcase his abstract masterpiece. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Ibinahagi pa ni Elmo na umabot sa lima ang naipintang imahe ng pusa.
“Hindi pa po ako gumagawa dati ng ganito po karami,” kwento ni Elmo.
A collection of cat paintings by Elmo. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Sa ngayon ay sinusubukan naman ni Elmo ang clay sculpting na isang klase ng sining at magandang pagkakaabahalan para sa mga batang kagaya niya.
Elmo made a clay sculpture of cat and flowers. (Photo by Ennsar Luis Modelo)
Patunay lamang ang kwento ni Elmo na mahalagang magsimula nang maaga.
Kaya sa mga batang hindi nalalayo ang pangarap katulad sa kanya, may kaunting payo ang batang pintor para sa kanila.
“Kung gusto nila ng arts talaga, magsimula na sila, mag-practice. Huwag puro gadgets at mag-aral mabuti,” mensahe ni Elmo.
“Wala pong pangit sa art kaya gawa lang po nang gawa. Walang hindi marunong, kailangan po tuluy-tuloy na pag-eensayo,” dagdag niya. (IBC-13 Digital)
Stay updated.