Kilalanin si Josh Caleb: Ang batang CEO ng Imus

Aleia Aguilar competes at Marianas Pro for the first time. (Photo by Aleia Aguilar)<br />

Josh Caleb posed for a photo with their business’ products—Bibidon. (Photo by Angel Wamelda)

 

Hindi maitatanggi na maraming pamilya ang humarap sa matinding hamon noong mangyari ang COVID-19 pandemic, ngunit para sa pamilya ni Josh Caleb Guillermo Wamelda, ito ang naging simula ng isang inspirational na kwento ng pagnenegosyo.

Si Josh Caleb, tinaguriang ‘youngest CEO’, ang naging mukha ng negosyo ng kanyang pamilya. Sinimulan lamang ito ng kanyang ina bilang isang DIY na panglinis ng baby bottles at kalaunan ay may sarili nang produkto. 

Maagang namulat si Josh Caleb sa negosyo ng kanyang pamilya na tinawag na Bibidon — pangalan mula sa salitang “bibiron,” na sa Bisaya ay bote ng gatas ng bata. Sa una ay siya muna ang naging inspirasyon at karakter ng kanilang logo hanggang sa unti-unti na rin niyang natutunan kung paano ang tama at maayos na paghawak ng kinikitang pera. 

 

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)<br />

Family photo of Josh Caleb with his mother and father. (Photo by Angel Wamelda)

Natutunan din ni Caleb mula sa kanyang mga magulang na ang konsepto ng pagnenegosyo ay paraan upang makatulong sa kapwa at sa simbahan hindi lang para sa sariling kapakanan. Sa murang edad, naintindihan ng batang negosyante na ang kinikita sa Bibidon ay para sa kanyang future.

“Lahat ng kita ng Bibidon ay naka pondo sa pagpapaikot sa aming business at isang bagay din ang lagi kong sinasabi sa aking anak na need namin magkaroon ng business para makatulong sa simbahan dahil pastor ang kanyang tatay at the same time, para makabili siya ng mga gusto niya paminsan. Yung simpleng encouragement sa kanya na iyon, dahil bata palang din siya ay natatak sa kanya,” kwento ng ina ni Josh Caleb.

 

Dagdag pa ng kanyang mga magulang, nakaka-inspire ang young CEO dahil sa kanyang simpleng pag-iisip tungkol sa pera at negosyo. Alam niya ang kahalagahan ng pagtitipid at pagpapahalaga sa bawat kita, isang mahalagang aral na kanyang dadalhin hanggang sa kanyang paglaki.

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)<br />

Josh Caleb posed for a photo after his family successfully registered their business. (Photo by Angel Wamelda)

Gabrielle snatched the gold medal, trophy and certificate in the Alem Cup Rhythmic Gymnastics Dubai last 2023. (Photo by Gabrielle Anne Opida Ramos)<br />

Imus, Cavite Mayor Alex Advincula honored the achievements of Josh Caleb as a young CEO. (Photo by Alex Advincula)

 

Tunay na kayang-kayang gawing reyalidad ang anumang pangarap ng isang bata sa tulong ng tamang gabay at pagmamahal ng mga magulang. 

“Lagi lang natin sila i-encourage at turuan na lahat ng bagay ay dapat ipagpasalamat sa Dios na siyang tagapagbigay ng magandang buhay sa ating lahat,” mensahe ng ina ni Josh Caleb para sa ibang mga magulang. (IBC 13 Digital)

Stay updated.